Ang Payo ng Pulmo


Hinga nang malalim, ang sabi nila.
Hinga lang, hinga lang. Isa pa.

Kung madadala lang ng isang buntong hininga,
ang sabid sabid na nadarama,
ang sigaw na ayaw kumawala,
ang bulong na naguusig, nangungutya,
ang galit na humahalo sa pangamba,
ang pagkalunod sa dagat ng mga pinalampas na sandali,
ang pagkamanhid na ikinukubli sa tawa at ngiti,
ang takot sa bawat gabing paparating,
ang pagbagsak mula sa banging hindi pa nararating

Hinga nang malalim, ang sabi nila.
Sa bawat paghinga, may saglit na segundo ng pagasa,
na may kamay na hihila,
na sa mabigat na tangan ay magdadala,
na ang dilim ay kusang magpaparaya…
na kahit sandali’y sisilip ang mga tala.

Huminga nang malalim, ang sabi nila.
Pagkat ang paghinga lang ang tanging magagawa
Nang iyong katawan, nang iyong baga.

Hinga lang, hinga lang. Isa pa.
Huminga nang malalim
….ang sabi nila.

Advertisements

One thought on “Ang Payo ng Pulmo

Ça te dit ?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s